TAYO ay nasa ikalawang taon na ng pandemyang bumalot sa sangkatauhan,ang corona virus na gumulantang sa buong mundo.Hindi lamang ito tumama sa mga mayayaman kundi mas higit na nadama ng mahihirap nating kababayang isang kahig,isang tuka na lubos na nagpadapa sa kanilang pamumuhay.
Sa loob ng dalawang taon na pagkalat ng sakit na Covid-19, naging pangkaraniwan na sa ating pangaraw-araw na pamumuhay ito .Sinasabayan na lamang ng panalangin at pag-iingat sa sarili na huwag tayong tamaan ng virus .
Bagaman hindi nawawala sa paligid ang kalabang hindi nakikita ,kailangan nating ipagpatuloy ang normal na buhay,ang pagbangon at paglaban sa matinding pagsubok na nararanasan.
Naging sanhi man ng pagsasara ang malalaking negosyo na dahil sa Covid-19 na . lumumpo sa mga negosyante ,nagbukas naman ito sa ibang tao na magkaroon ng munting negosyo lalo na sa ilang ordinaryong manggagawa na nagnanais na madagdagan ang kakarampot na kita mula sa kanilang trabaho.
Sa pagbubukas ng pintuan sa pagnenegosyo ang ilan nating kababayan nagkaroong ng pagkakataon ang lahat ng gustong kumita kalakip ang sipag at tiyaga.
LAganap sa social media ang paghaharimunan ng iba na kumita, ang pagbebenta ng sari-saring paninda o produkto online.Kanya-kanyang diskarte at pakulo upang mabigyang pansin ang ibinebentang produkto.
.Sa ganitong ideya sumabay ang magkakatrabaho at magkakaibigang sina Jason,Lana,Alysa,Rose at Cora o JLARC .Nagsimula ng isang munting negosyong naghahatid ng murang pagkain.
Target nila ang ilan nilang kasamahan sa trabaho na maging suki .Gusto rin nila itong matulungan dahil sa walang mabilhan na tindahan ng pagkain na malapit kapag breaktime.
Itinayo nila ang JLARC’s sa lungsod Quezon nitong Setyembre lamang ng taong kasalukuyan. May puhunang halagang 30,000 pesos na mula sa kani-kanilang ipon. panimula ito sa kanilang ‘food-packed business’ na personal nilang niluluto at dinedeliver .
Bilang pagmamahal sa kanilang mga katrabaho ,nais nilang ipatikim ang masasarap na pagkain na hindi makikita sa mga karinderya at murang halaga .
Bahagyang pinasosyal sa lasa sa abot -kayang swak sa budget ng isang empleyado.
Isa sa kanilang menu ay ang Fried noodles na may siomai na may halagang 30pesos;Shawarma rice na 60pesos;chicken sexy spicy 60 pesos;Chicken yummy parmessa 60pesos;chicken fillet with rice 50pesos at maging pancit guisado na 50pesos.
Kumikita ang grupo ng halos 4,000 piso kada araw .Malaking tulong sa pang-araw-araw na gastusin at karagdagang kita para sa isang ordinaryongempleyado.
Malaking bonus sa kanilang negosyo kapag mayroong kaarawan na katrabaho dahil sa ‘bulk’ orders na nais manlibre sa kanilang mga kasamahan.Mas malaki ang inaakyat na ‘sales ‘sa grupo sa mga pagkakataong ganoon ,kaya ito ang kanilang mas pinaghahandaan .
Tinangtangkilik ng kanilang mga suki ang mga panindang pagkain dahil sa malaki ang natitipid ng mga ito sa abot -kayang halaga na swak sa budget at may masarap na lasa.
Sa loob ng higit isang buwan at kalahati ay nagkaroon na sila ng tubo o kitang 15,000 piso.
PAtuloy nila itong iniipon para sa pagpapalaki ng kanilang negosyo sa hinaharap.
Kapag sapat na ang naipong pera ay nais nilang kumuha ng pwesto upang magtayo ng restaurant.Palalakihin at ipagpapatuloy ang negosyo sagupain man ang corona virus.
Hindi ito naging hadlang sa kanila bagkus ay magiging inspirasyon pa upang makatulong at maglingkod sa kapwa .
Ang paniniwalang walang imposibleng umunlad ang pamumuhay basta may kalakip ang sipag at tiyaga .
Umaasa ang bawat isa na sama-samang matutupad ang mga pangarap na paunlarin ang buhay ng bawat isa .