Photo from Julie Anne’s FB page
ITINANGGI ng mag dyowang sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na singsing ang laman ng ipinakitang jewelry box, kundi isang hikaw .
Sa larawang post sa FB ni Julie, pareho silang may hawak na jewelry box.
Mababasa ang caption ni Rayver para extra special ang Valentine’s Day nila together, jewelry ang iniregalo nila sa isa’t isa.
‘Yun pala ay endorser sila ng isang jewelry shop .
Kaya naman mali ang hula ng ibang reporter na singsing ang bigay nito sa kanyang gf na si Julie .
At inaasahan nilang sa simbahan na matutuloy ang samahan ng dalawang magkasintahan.