HALOS dalawa taon na ang nakakaraan nang magsimula ang pandemyang Covid-19 na nagmula sa bansang China .Noong nag-uumpisa pa lamang itong tumama sa ating bansa ay agad nang nagsara ag maraming kompanya o negosyo na naging dahilan rin ng pagbabawas ng kanilang mangagawa.Dahil sa matinding epekto nito sa ating pamumuhay ,marami ang gumawa ng paraan upang maitaguyod ang pamilya at mairaos ang mga pangangailangan sa pang-araw-araw na gastusin.
Isa na si Marjorie Cadiz ng Los Banos ,Laguna ang nakaranas ng ganito.Nawalan siya ng trabaho dahil sa tinanggal siya sa kanyang pinagtatarabahuhang ospital sa Calamba. Isa siyang registered nurse ngunit marketing manager ang kanyang trabaho roon.
Nang manyari iyon hindi siya nawalan ng pag-asa o pinaghinaan ng loob ,bagkus nagbigay sa kanya ng inspirasyon na kailangang maghanap-buhay sa panahon ng krisis. Upang maiwasan na rin ang depresyon nag-isip siya ng kanyang pagkakaablahan at mapagkakakitaan na rin.
Noong una ay natatakam lamang siyang kumain ng cheesecake ngunit dahil sa mahirap lumabas noong mga panahon ng lockdown ,naisipan niyang magluto na lamang nito.
Dinalhan niya rin ang kanyang pamilya ng masarap na cheesecake noong 2020 ng Easter Sunday .Nilitratuhan ang at inapload sa facebook na umani ng maraming paghanga .Marami ang namangha dahil sa kakaibang cake na puno ng mga prutas sa ibababaw.
dahil sa kaakit-akit na kakaibang dekorasyon nag -umpisa na itong kumalat sa iba’t-ibang lugar at napag-usapan .
Ang Mga kakaibang prutas ang inilagay niya bilang toppings sa masarap na cheesecake tulad ng strawberries,blueberries at cherries.
Nag-umpisa na siyang magpa-order at hindi naglaon ay ginawa na niya itong negosyo ito na pinangalanan na niyang “Mrs.Cheesecake”.
Nagsimula siya sa puhunang 800 piso na pinamili ng mga sangkap. Ang isang order na cheesecake ay naibebenta niya ng 1,800 pesos. Kumikita siya ng 1,000 pesos bawat isang cake na naging malaking tulong para sa kanilang gastusin sa bahay.
Ang kaakit-akit na itsura ng cheesecake ay masarap rin dahil sa kakaibang sangkap ang kanyang inilalagay.
Gamit ang social media ,sari-saring dekorasyon ang kanyang ginagawa hanggang sa napansin ito ng kanyang mga fb friends.Umorder na rin ang kanyang mga dating katrabaho tulad ng mga doktor at empleyado sa kanyang inalisang kompanya.
HAnggang sa napansin na ito ng mga netizens dahil sa intagramable na larawan na kumalat nang kumalat sa ibat-ibang karatig lugar .
Ang kanyang espesyal na signature cheesecake ay marami ang gustong makatikim kaya’t nagkaroon siya ng mga pa-order rin na umabot sa Tagaytay ,Quezon City at Maynila hanggang Pampanga.
Ang paisa-isa o dalawang cake na pa-order ay naging 15 cakes noong dumating ang kapaskuhan.NAgpapa-order lamang siya kapag mayroon mga special occasions kada linggo at ang naging best seller niya na berry burst ay talagang pumatok sa mga customers.
Dahil sa signature cake na ito ,ilang tao na rin ang kumopya at i nagtangkang gumagaya ngunit hindi kayang pantayan ang lasa at itsura ng kanyang espesyal na cake.
Isa itong patunay na ang mga pinoy ay likas na ang pagiging malikhain basta sabayan ito ng tiwala sa sarili ,sipag at pagtitiyaga.
Maraming indibidwal ang natutuklasan pa lamang ang kanilang talento o kakayahan nang dumating ang corona virus sa mundo.