PINAGBABARIL ng mga armadong lalaki noong Martes ang isang barangay chairman at miyembro ng Sangguniang Bayan na ikinamatay ng isa sa kanila sa harap ng barangay hall sa Bgy. Telapayong, Arayat, Pampanga.
Kinilala ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang mga biktima na sina Bgy. Batasan, Arayat, Pampanga chairman Julito Trinidad at konsehal Federico Hipolito.
Idineklarang dead on arrival sa ospital si Hipolito habang nilalapatan ng lunas ang kapitan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay ang mga biktima sa isang puting Toyota FJ cruiser na may plate number na AKA 9514 nang huminto sila sa harap ng village hall.
Pababa na ang dalawa sa sasakyan nang biglang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinaputukan ng ilang beses sina Trinidad at Hipolito.
Isinugod ng mga saksi ang mga biktima sa Magalang District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ni Hipolito.
Habang nakatakas naman ang mga suspek patungong Magalang, Pampanga at tinutugis na ng mga pulisya.
Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pakikiramay si Gov. Delta Pineda sa pamilya ni Hipolito habang naghahanap siya ng hustisya para sa pagpatay sa konsehal.