BUMABABA na ang kaso ng Covid-19 sa bayan ng Morong sa Rizal kung saan naitala ang 20 kaso na lamang.
Patuloy itong binabantayan ng lokal na pamahalaan kung saan naglabas ng pinakahuling datos ang Municipal Health Office noong Enero 31 na umabot na sa 1,666 mula noong nagsimula ang pandemya.
Sumampa na sa 1,588 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos ideklarang recovered mula sa Covid-19 ang 12 pasyente dito, habang 58 naman ang mga binawian ng buhay.
Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa kanilang emergency hotline sa oras na kinakailangan at magpabakuna ang mga indibidwal na hindi pa nagpapabakuna.