TANGGAP umano ni Kris Aquino na walang lalaking magseseryoso sa kanya ngayong may sakit siya.
Para kasi kay Kris ay mahirap ang relasyon nilang LDR o Long Distance relationship nila ni Batangas Vice Governor Marc Leviste .
Hindi siya sanay aniya sa ganoong set-up at nag-self-pity si Kris.
Habang nasa ospital siya at nagpapagamot ng kanyang mga autoimmune diseases, nakikita naman niya sa social media na masaya at naglilibang sa paglalaro ng golf ang ex-boyfriend na si VG Marc.
Gayunpaman, kahit na sinunod at inirespeto ni VG Marc ang desisyon ni Kris ay suut-suot pa rin niya ang eternity ring na ibinigay sa kanya ng ex-girlfriend na si Kris.