
NATIKLO ng pulisya nitong Miyerkules ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw sa isang botika sa Mabalacat City, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Jean Fajardo, Pampanga police director Col. Jay Dimaandal natukoy ang suspek na si alyas “Oc,” 28, ng A. Santos, Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Mabalacat police chief Lt. Col. Efren David, narinig ng security guard ng Mercury Drugstore na si Daw Baid, 32, ng Atlu-Bola, Mabalacat City ang alarma mula sa loob ng tindahan, dahilan upang siyasatin ang perimeter ng establisyimento.
Ipinaalam ng isa pang security guard ang pulisya bago tinulungan si Baid sa paghahanap sa magnanakaw.
Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng Mabalacat City police na nagpapatrolya sa lugar at nakita ang suspek na papatakas.
Narekober mula sa suspek ang nasa P10,000 na cash, dalawang cellphone na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P16,000, at isang power bank na nagkakahalaga ng P400.