
ISANG 61-anyos na lola habang tatlong iba pa ang inaresto ng mga otoridad makaraang salakayin ang isang drug den sa relocation site sa Barangay Balete, Batangas City, Batangas nitong Linggo ng hapon.
Sa pinagsamang mga operatiba ng PDEA Batangas Provincial Office at Batangas Police Provincial Office- Provincial Drug Enforcement Unit nagsagawa ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kina alias Arnulfo, 52 anyos na construction worker; alias John, 33, barbero; alias Alex, 31,security guard; at alias Eleonora, 61 -anyos na pawang residente ng ng naturang lugar.
Nakuha sa mga suspek humigit kumulang na 10 gramo ng pinaghihinalaang Shabu na may halagang Php68,000. 00, buy-bust money at ibat ibang uri ng drug paraphernalia.
Sasampahan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.