Pinasalamatan ni Mayor Arman Dimaguila Jr. ng Biñan, Laguna ang lubos na suporta at pakikipagtulungan mga Biñanense dahil sa maraming pagkilala at parangal sa kanilang lungsod.
Binanggit ng alkalde ang pagkilalang ito nang buksan nitong Huwebes ang tatlong araw na taunang selebrasyon ng Araw ng Biñan na ginanap sa kanilang plaza kung saan ay dinaluhan ng lokal na opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod , eskwelahan, youth organizations, socio-civic groups, at business establishments.
Sinabi ni Mayor Dimaguila na “Biñan is a rich city because of the Biñanenses. They are a very cooperative people. For as long as they know that we, their local government officials, are doing everything for the benefit of Biñan City, we can count on their support”.
“We saw this during the pandemic. The LGU was very successful because the Biñanenses trusted and supported us. We were also not blind about our shortcomings and we did our best to make up for this and address all their concerns. We are also committed to the development of our city,”dagdag pa nito.
Ang naturang lungsod ay nakatanggap ng maraming parangal dahil sa pagsisikap ng kanilang mga lider tulad nina Dimaguila Jr., Vice Mayor Angelo “Gel” B. Alonte at Biñan Rep. Marlyn “Len” B. Alonte-Naguiat, mas makilala ang kanilang lugar at maging sentro ng kalakalan at Negosyo sa Timog-Katagalugan.
Ikinagagalak rin ng alkalde ang pagiging “outstanding heritage tourism”dahil sa muling pagbuhay sa Biñan Heritage District .
Isa sa pitong pangunahing programa at proyekto ng Balik-Biñan ay napabilang sa Ten Outstanding Local Governance Programs noong 2022 Galing Pook Awards.
Tampok rito ay ang pinaka kilala at makasaysayang gusali na Alberto Mansion na nagsilbing ancestral home ng ina ng ating pambansang bayani Dr. Jose Rizal na si Teodora Alonso.
Sinabi rin ni Mayor Dimaguila na hindi na gaanong pinagkagastusan ang dekorasyon noong nagdaang Kapaskuhan bagkus ay mas pinagtuunan nila ng pansin ang pagsasaayos ng kanilang plaza na sentro ng lungsod na nagpapaalala sa kanilang kasaysayan.
Kasabay sa pagdiriwang ang Araw ng Biñan ay ginugunita rin ang ika-13 Anibersaryo ng Cityhood Charter.
“Napakasayang balikan ang ating mga pinagdaanan bilang nagkakaisang lungsod. Ang dating pinakamayamang bayan sa buong Pilipinas ay isa na ngayong ganap na lungsod. Kinikilala na rin tayo ngayon bilang “Trading and Commerce Center of the South” at isa sa mga exciting destinations sa bansa.” Sambit ni Dimaguila.
“Marami pong bayan ang nagpatayo ng magagarang buildings, mga istruktura na talagang mga kilalang arkitekto pa ang gumawa. Pero sabi nga ni BJ, isang bagay ang hindi nila kayang gawin – ‘yun ay bigyan ng kaluluwa ang bawat building na ginagawa nila,”- tinutukoy ni Mayor Dimaguila ay si Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office head Bryan Jayson Borja.
Matatandaang Feb 2, 2010, sa ilalim ng Republic Act 9740, ang Biñan ay naging lungsod matapos ang idaos ang plebisito.
Ang Binan ay naging ika-4 na naging lungsod sa lalawigan ng Laguna at ika- 139th buong bansa.