
NAGING sentro ng pag-asa at paggaling nitong Biyernes (October 11, 2024) ang maliit na bayan ng Magdalena sa pagtitipon ng 700 Lagunense upang makinabang sa isang natatanging medical outreach na inorganisa ng tanggapan ni Senador Alan Peter Cayetano.
Sa ginanap na caravan sa Barangay Poblacion Municipal Covered Court, pumila ang mga pamilya mula sa Magdalena, Pagsanjan, Santa Cruz, at Santa Maria upang makakuha ng libreng medical consultation, X-ray at laboratory services (with diabetes testing), makakuha ng mga kinakailangang gamot, at magpabakuna laban sa pneumonia.
Sinamantala rin ng ilang indibidwal ang mga libreng procedure tulad ng pap smear, ultrasound, at pagbunot ng ngipin.
Naisakatuparan itong medical outreach ng mga Cayetano sa pakikipagtulungan ni Santa Rosa, Laguna Lone District Representative Dan Fernandez.
Kabilang ito sa maraming mga medical outreaches na sinimulan ng senador upang matiyak ang mas maliwanag at malusog na mga komunidad sa buong bansa.