NALALAPIT nang ilabas ng minorya sa kamara ang mga pangalan ng mga tiwaling tao ng gobyerno na nagsasamantala sa mga negosyante .
tinukoy ni House minority leader Carlos Zarate ang labis-labis na pag-angkat ng mga produktong agrikultura industriya, na nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga Pilipinong magsasaka at mga mangingisda.
Sinabi ng kongresista na , huhubaran nila ng maskara ang mga anila’y sangkot sa economic sabotage, kasabay ng pahiwatig ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga opisyal at negosyanteng nasa likod ng sabwatan.
“Yan (makilala ang economic saboteur) ang gusto nating maimbestigahan ng mga ahensya (ng gobyerno) like of the Office of the Ombudsman, the Department of Justice (DOJ) through the NBI (National Bureau of Investigation).
Sino ba ang nakikinabang sa grabeng importasyon na ito,” ayon sa mambabatas. Hindi aniya makatwirang pahintulutan ng pamahalaan ang pag-aangkat ng 60,000 tonelada ng isda gayung may malawak at mayamang pangisdaan naman ang bansang Pilipinas.
Gayundin, aniya sa napipintong pag-aangkat ng 200,000 toneladang asukal kahit pa may sapat na suplay naman mula sa lokal na industriya.
Sa pag-angkat ng isda mula sa China at asukal mula sa karatig bansa, una nang ikinatwiran ng Department of Agriculture (DA) ang pinsaklang iniwan ng bagyong Odette sa mga pangisdaan at taniman sa mga lalawigang apektado ng delubyo.
“Talagang hindi makakabangon ang ating ekonomiya kung mismong ang ahensya natin ang nagsasabotahe dito. Pinapatay ang ating local industry,” pahabol pa niya.