SUMUKO sa pamahalaan ang isang rebeldeng kasapi umano ng New People’s Army sa Sitio Malaysa Uyungan, Barangay Puray, Rodriguez, Rizal kahapon.
Nakilala si alyas Ka Banong na isang Milisya ng Bayan (MB) na residente ng naturang lugar bitbit ang kanyang M16 na armas at mga bala.
Ayon kay Col. Bernard Zildo S. Fernandez nagbalik-loob si Ka Banong bandang alas 11:30 ng umaga nitong araw ng Martes sa 80th Infantry (STEADFAST) Battalion .
Aniya ,isa sa mga tagumpay ng kampanya ng pamahalaan at malaking kawalan sa hanay ng CPP-NPA-NDF na kumikilos sa lalawigan ng Rizal at mga karatig na probinsya.
“ Namulat na sa tama at tinalikuran ang armadong pakikibaka dahil sa mga programang isinusulong at isinasakatuparan ng pamahalaan sa mga mahihirap at malalayong pamayanan sa ilalim ng pangangasiwa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sa mga programa ng Local Government Support to Barangay Development Program (LG-SBDP)”,dagdag pa nito .
Samantala, isang benipesaryo ang Barangay Puray sa mga pinagkalooban ng halagang dalawampung milyon piso na gagamitin sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pangkaunlaran sa nasabing barangay.