PUMANAW si Maita Sanchez , ang asawa ni dating Laguna governor ER Ejercito sa edad na 55.
Kinumpirma ni Ejercito ang pagpanaw ng kanyang asawa sa isang social media post.
Sinabi ng dating Laguna governor na namatay ang aktres-politician sa endometrial cancer dakong 12:01 p.m. Linggo, Nobyembre 3.
Naiwan ni Maita si ER at ang kanilang anim na anak na sina Eric, Jet, Jerico, Jhulia, Diego at Gabriela.
Ang pamilya Ejercito ay humihiling ng panalangin at mass offering para kay Maita.
“Eternal rest grant unto her, O, Lord, and let perpetual light shine upon her. May her soul and the souls of all the faithful departed through the mercy of God. Rest in peace,”ayon sa post ni ER sa social media.
Sinabi niya ang burol at araw-araw na misa ay gaganapin tuwing alas- 7 p.m. hanggang Nobyembre 9 sa kanilang ancestral home sa Pagsanjan, Laguna.
Si Maita ay naging alkalde ng Pagsanjan, Laguna mula 2010 hanggang 2019.
Naglingkod siya bilang bise alkalde ng Pagsanjan mula 2019 hanggang 2022.
Muling tumakbong mayor ng Pagsanjan si Maita noong Mayo 2022 ngunit natalo sa halalan.
The actress-politican appeared in several films such as “Batas ng Lansangan,” “Ang Dalubhasa,” at ang “Pagbabalik ng Probinsyano.”