
INISYUHAN na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa ang isang motorcycle vlogger dahil sa isang road rage incident sa Zambales na naging viral sa social media .
Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na hihilingin sa Yanna Moto Vlog na ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o bawiin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho dahil sa pagiging hindi tamang tao para magpatakbo ng sasakyan dahil sa umano’y pag-uudyok ng galit sa kalsada.
“Matagal na tayong nagpapaliwanag sa milyon-milyong nating mga kababayang motorista na walang mabuting idinudulot ang init ng ulo sa kalsada—at napakarami na ang naparusahan natin dito,” ayon kay Mendoza.
“Nararapat lang na a ng vlogger na ito, dapat ay ginamit niya ang kanyang impluwensya sa social media upang itaguyod ang responsableng pagmamaneho at kaligtasan sa kalsada,” dagdag niya.
Batay sa viral video na sinusubaybayan ng LTO Social Media Team, ipinakita ni Yanna Vlog ang middle finger gesture sa driver ng isang pick-up truck dahil sa sinabi nitong walang ingat sa pagmamaneho .
Habang kinompronta pa ang pick-up driver at tinanong siya kung bakit kailangan niyang gumawa ng ganoon habang ipinaliwanag din nito na ang normal na pagmamaneho ay hindi posible sa mga rough roads.
Gayunpaman, patuloy na nakipagtalo si Yanna Vlog sa pick-up driver at gumawa pa ng mga nakakainsultong komento nang umalis ito.
Nauna nang nangako si Department of Transportation Secretary Vince Dizon na lalabanan ng gobyerno ang mga walang ingat at iresponsableng driver para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada sa gitna ng dumaraming kaso ng aksidente at road rage.
Habang si Yanna Vlog ay humingi na ng tawad matapos ma-bash sa social media at sinabi naman ni Mendoza na itutuloy ang imbestigasyon hinggil sa insidente.