HULI ang tatlong lalaki na nagpapanggap na agents ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang magtangkang mangikil ng pera mula sa isang tindahan sa Parañaque City.
Naaresto ang mga suspek na sina alyas “Bernard,” 44; alyas “John,” 29; at alyas “Lenon,” 24.
Ayon sa imbestigasyon, inihain ng mga suspek ang pekeng search warrant na nagsasabing nagbebenta ang tindahan ng mga ilegal na tabako at sigarilyo.
Binigyan nila ng banta ang cashier ng tindahan at humiling ng P100,000 upang maiwasan ang mga parusa sa pagbebenta ng mga ilegal na produktong tabako.
Napansin ng mga guwardiya ng Aseana ang kaguluhan kaya naman agad na sinuri ito at napag-alamanan na ang tatlo ay hindi mga lehitimong NBI agents.
Agad namang nagtungo ang mga tauhan ng Tambo Police Sub-Station sa lugar at inaresto ang mga suspek.
Isinampa ang mga kaso ng robbery, extortion, usurpation of authority, malicious mischief, grave threat, at falsification of documents laban sa mga naarestong suspek sa Parañaque Prosecutor’s Office.