
SINENTENSYAHAN ng Sandigang bayan ng 64 taong pang pagkakabilanggo ang negosyanteng si Janet Lim Napoles .
Matapos mapatunayang guilty ito sa kasong 4 counts na graft and malversation of public funds .
Kaugnay ito sa “unauthorized disbursement” ng P20 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund o pork barrel fund ni dating South Cotabato Rep. Arthur Pingoy.
Sa 57pahina desisyon ng botong 3-2, sinentensiyahan ng Second Division si Napoles ng 40 taong pagkakulong para sa malversation of public funds at dagdag na 24 taon para naman sa graft o kabuuang 64 na taon
Maging ang tatlong dating opisyal ng National Agribusiness Corp., at isang opisyal ng Philippine Social Development Foundation Inc. ay napatunayan ding guilty sa mga kaso.
Pinapasoli rin ang P20.9 million at dagdag pang P20.9 million sa gobyerno kay Napoles at mga kapwa akusado .
Pinawalang-sala naman ng anti-graft court si Pingoy dahil nabigo ang prosekusyon na mapatunayan itong sangkot sa scheme.
Sinabi pa ng Sandiganbayan, “There is no sufficient evidence that Pingoy received kickbacks from Napoles through (former Energy Regulatory Commission chairperson Zenaida) Ducut. Even prosecution witness ( and former JLN Corporation Finance Officer Benhur ) Luy admitted that he has never seen Pingoy , nor directly to him any amount of money as kickbacks “ .