NAPATAY ng magkaangkas na riding-in-tandem ang isang scrapper sa Barangay Dayap Itaas,Laurel , Batangas bandang alas-6 ng gabi noong Biyernes.
Dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital ang negosyante bilang si Rico Obrador , scrap trader makaraang tamaang ng tatlong bala sa kanyang katawan .
Ayon sa ulat sa hepe ng Laurel Police Station na si Major Francisco Luce-a IV sa inisyal na imbestigasyon, mayroong ginagawa si Obrador sa harapan ng bahay ng kanyang kapatid.
Posibleng napagkamalan ang biktima ng mga magkaangkas sa hindi naplakahang motorsiklo ng mga suspek na nakasuot na itim na jacket at pantalon nang huminto sa kanilang bahay at saka nagpaputok ng baril.
Tinitingnang anggulo rin ang “mistaken identity” na naging sanhi ng kanyang pagkamatay dahil umano sa kamukha nito ang kanyang kapatid.
Wala rin umanong kaaaway o anumang record sa barangay si Obrador .
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente ng pamamaslang.