Bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng covid-19 sa mga lugar na nasa Alert level 1, nagpasiya na ang DILG sa pagbabasura ng polisiyan NO VAX CARD, NO ENTRY sa mga papasok ng malls at iba pang pasilidad
Ayon kay DILG spokeperson Jonathan Malaya na mananatili ang polisiya sa mga pasilidad sa ilalim ng kategoryang 3C – closed, crowded, close-contact venues tulad ng mga restaurants, spa at mga sinehan.
“So that we can sort of sort this confusion out, let us follow the advice of the Department of Trade and Industry Secretary Mon Lopez that the vaccination card is not required at the entrance of the mall. It is only required at the exact 3C establishment inside the mall, but not necessarily at the entrance of the mall,” ani Malaya sa isang panayam.
Bukod sa Metro Manila 37 iba pang lugar ang isinailalim sa Alert Level 1 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) simula Marso 1 makaraang magtala ng mababang bilang ng mga positibo.
Sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 1, pinahihintulutan ang mas maluwag na galaw ng mga tao at pinalawig na operasyon ng mga negosyo. Balik na rin sa 100% passenger capacity ang mga pampublikong sasakyan, gayundin sa venue ccapacity mga bahay sambahan.