AABOT sa 12 pesos kada litro ang idadagdag sa presyo ng krudo sa susunod na linggo ,ayon sa sa mga kumpanya na nagbebenta ng mga produktong petrolyo sa lokal na merkado.
Naniniwala ang Department of Energy (DOE) na posibleng pumalo pa ng lagpas P100 kada litro ang magiging presyo ng krudo kung magpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia na kapwa kilalang oil-producing countrie bukod pa sa inaasahang bigtime oil price increase sa Martes .
Pinag-aaralan naman ng ahensiya na maisalang ang mga suhestyong fare hike petitions dahil sa epektong dulot nang walang humpay na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo sa hanapbuhay ng mga jeepney driver at operator ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion.
Bagamat inumpisahan na ng LTFRB ang pagdinig sa P5.00 dagdag sa minimum fare sa mga pampublikong sasakyan, nilinaw ng nasabing tanggapan na kailangan pa rin pag-aralang maigi ang magiging epekto nito sa mga pangunahing pangangailangan sa mga pamilihan. Sa huling tala ng DOE, 10 pagtataas na sa mga presyo ng produktong petrolyo ang ipinatupad mula Enero.