
NASAKOTE ng Bureau of Customs – Port of Clark ang mga bag ng kape , Candy o Snacks na naglalaman ng apat (4) na supot ng Methamphetamine Hydrochloride o “Shabu” .
Nagmula sa Estados Unidos ang kargamento at natuklasan ng X-ray sa isinagawang physical inspection noong Disyembre 19, 2024 kung saan ay nakita ng nakatalagang Customs Examiner ang ilang regalo at mga bag ng kape.
Nakapaloob sa apat na bag ng kape ang apat (4) na vacuum-sealed transparent na pouch ng Methamphetamine Hydrochloride “Shabu”, na may timbang na 390 gramo nang kumpirmahin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa laboratory ang Methamphetamine Hydrochloride.
Agad namang nag isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA.
Ang operasyon ay kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa BOC, sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubiona patuloy na lumalaban sa smuggling ng droga.