HUMIHIMAS na ng malamig na rehas ng isang 40-anyos na amang nagbigay ng 20 pesos sa kanyang anak matapos itong halayin sa Bgy. Santa Anastacia, Sto.Tomas City sa Batangas.
Inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Pedro Palenzuela na tubong Barangay Mabunga ,Quezon.
Agad na dinakip ang suspek dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ricuedo Policarpio Flores ng Regional Trial Court sa Tanauan City, Batangas noong nakaraang Marso 16 .
Nahaharap ito kasong rape at walang nirekomendang piyansa sa kanya.
Base sa salaysay ng biktima , dumating sa kanilang bahay ang kanyang ama noong Nobyembre 4 ,2021 nang sapilitan itong dinala sa kanilang kwarto saka hinubaran .
Tinakot umano ng suspek na sasaksakin siya ng bolo kapag siya ay nagsumbong , ,kaya naman binigyan din siya ng halagang 20 pesos upang hindi magsumbong kahit kanino.