
Olongapo City – BINUKSAN na sa publiko ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator, Engr. Eduardo Jose L. Aliño ang bagong Upper Binictican Bridge sa may Binictican Area noong Mayo 15, 2025.
Ang ₱44-million worth na tulay ang pumalit sa lumand straktura na ginawa ng mga Amerikano noong dekada sisenta noong ang Subic Freeport ay isa pa lamang US Naval Base.
Sinabi ni Aliño na ang lumang tulay ay nagsilbing daanan ng mgamotorista ng mahigit 60 na taon at nararapat lamang na ito ay mapalitan ng mas modern at matibay na straktura dahil ito ay primerong daanan ng mga residente ng Binictican papunta sa Subic Bay Freeport Zone.
Sinimulan ang pagtatayo ng tulay noong Mayo 8, 2024, at ito ay nakumpleto noong Mayo 15, 2025.
Dagdag pa ni Aliño, ang bagong tulay ay magsisilbi ring daanan ng mga turista upang makapunta sa Pamulaklakin Trail, isa sa mga tourist spot ng Subic Bay Freeport at parte ng Pastolan Ayta’s facility na kung saan ay maaring maka halubilu ng mga turista ang mga katutubong Aeta at matuto ng kanilang survival skills mula sa mga Aeta instructors.