
PORMAL nang isinumite ng Kamara sa Senado kahapon (Oktubre 24) ang P6.352-trilyong panukalang 2025 budget na nakatutok sa social services at food security.
Sa pangunguna ni Ako Bicol Representative at House appropriations committee chairman Zaldy Co, ang naturang budget ay naglalaan ng malaking pondo para sa mahihirap, magsasaka, mag-aaral at mga sundalo.
Ayon kay Co, dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP para naman sa mga may trabaho ngunit kulang ang sahod. May dagdag ding pondo rin para sa edukasyon, agrikultura at maging subsistence allowance ng mga sundalo.
Ang budget ay nakatakdang pag-usapan sa Senado. Inaasahan itong matatapos sa Disyembre para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago matapos ang taon.