TUMATAGINTING na higit P700,000 ang natangay ng limang kawatan ng isang bangko sa Pagsanjan sa Laguna noong Lunes ng gabi.
Base sa salaysay ng mga empleyado ng Rural Bank of Lumban Incorporated-Pagsanjan branch, Martes nang madiskubre ang pagnanakaw.
Nakita sa kuha ng CCTV footages bandang 11:25 ng gabi noong Lunes, nakitang umakyat sa pader ang limang suspek, kabilang ang dalawang babae.
Ayon sa pulisya, nakilala ang mga suspek na sina Esperanza Abe Aaliwin, Mariz Dorado Castillo, Jules, Kristoffer Javan Lopecillo, Warren Martinez Macale at isa wala pang pagkakakilanlan.
Lumalabas sa mga imbestigasyon na inside job ang nangyaring panloloob dahil sa madaling nakapasok ang mga ito nang hindi man lang nasira ang padlock. Iniwan na rin ng mga suspek ang combination ng mga password sa loob ng vault kung saan nalimas ang pera sa vault na nagkakahalagang P727,854 cash.
Pinaghahanap na ang mga otoridad ang mga nakatakas na kawatan.