
NASABAT ang dalawang Singaporeans matapos makuhanan ng 76 Milyong pisong halaga ng hinihinalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaninang madaling araw.
Ang mga suspek ay nasa edad 69 at 39 taong gulang na parehong Singaporean na galing Doha, Qatar.
Batay sa ulat ng Inter- Agency Drug Interdiction Task Group ng NAIA nakita sa x-ray machine ang mga kahinahinalang pakete ng cocaine na nakasilid sa loob ng lata ng cookies.
Nang buksan ang kanilang hand carry at checkin baggage ay tumambad ang 14,360 kgs na puting pulbos na hinihinalang cocaine.
Mariing namang itinanggi ng mga suspek na hindi nila alam na may nakasilid na droga sa kanilang kagamitan.