
NASABAT ang 816 milyong pisong halaga ng iligal na droga ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Calapan Port, Oriental Mindoro nitong Biyernes , Marso 21, 2025.
Tinugis ang isang 43-anyos na lalaki na kabilang sa regional priority target at high value individual katuwang ang PDEA-Mimaropa Regional Office sa CG Sub-Station Calapan sa seaport interdiction operation .
Nang matanggap ang impormasyon, nakiisa ang CGSS Calapan at CGK9 Team kaugnay ng nasabing operasyon ng umano’y sakay ang suspek ng MV Santa Editha.
Sinimulan ng mga tauhan ng CGK9 team, CGSS Calapan at Bureau of Plant Quarantine ang random inspeksyon sa lahat ng rolling cargoes mula sa nasabing barko.
Nagpositibo ang isang puting Toyota Camry na minamaneho ng umano’y suspek at sinuri ng CG9 team gamit ang CG Working Dog Queenly upang alamin ang presensiya ng ipinagbabawal na gamot na matatagpuan sa likurang upuan ng sasakyan, kaya agad nilang ipinaalam sa PDEA-Mimaropa para sa karagdagang pagsusuri.
Sinubukan pang tumakas ng umano’y suspek, ngunit agad itong nahuli at dinala sa lokasyon kung saan pansamantalang nakaparada ang kanyang sasakyan.
Nagpositibo rin sa pagsusuri ng PDEA-Mimaropa ang pinaghihinlaang Methamphetamine Hydrochloride na kilala rin bilang “Shabu”.
Kakasuhan ang naarestong suspek ng kason paglabag sa Section 5 (Sale, Trading, Administration, Dispensation, Delivery, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs and/or controlled precursors and Essential Chemical) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Under Article II: Unlawful Acts and Penalties of Republic Act No. 9165.
Ang mga nakumpiskang gamit kasama ang mga ebidensya ay inilagay sa kustodiya ng PDEA-Mimaropa para sa pag-iingat at gagamitin sa paglilitis sa korte.