
HULI ng Bureau of Customs humigit-kumulang P90 milyon smuggled na produktong petrolyo na mula sa isang barko na nakadock sa Port of Batangas nitong Miyerkules.
Nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng BOC at pulisya bandang alas-4 ng umaga upang suriin ang ulat ng isang tipster na patuloy ang smuggling ng gasolina sa lugar.
Huli ang grupong ng motor tanker na Cassandra na naglipat ang mga crew ng produktong petrolyo mula sa barko patungo sa apat na tanker truck .
Arestado ang kapitan ng barko na si Daddie Antonio, 71-anyos matapos siyang mabigong magpresenta ng mga dokumento para sa transportasyon ng gasolina.
Narekober ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 1.8 milyong litro ng gasoline.
Patuloy na nagsasagawa ng imbentaryo at imbestigasyon ang mga operatiba hinggil sa nasabing insidente ng oil smuggling .