
NASAWI ang 34- anyos na pahinante ng truck makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang sa kanilang tinitirhan sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna, Miyerkules ng gabi.
Nasawi ang biktima na si Alyas Eugene, mula sa dalawang tama ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril .
Dead on the spot ang biktima ayon sa ulat ng Bay police kay Laguna Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia nang salakayin ng mga suspek bandang alas 9:15 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng Bay police ,ang biktima ay kasalukuyang nasa loob ng bahay nang biglang dumating ang suspek at kumatok sa kanilang pintuan ng bahay.
Nang pagbuksan ng pinto ay mabilis pinaputukan ang biktima .
Mabili namang sumakay sa kulay itim na Everest mga armadong suspek patungo sa gawi ng Sto Tomas ,Batangas upang tumakas.
Magsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa pamamagitan ng CCTV footage upang matukoy ang suspek at malaman ang motibo sa pamamaslang.