
BIGO ang nationwide transport strike ng grupong Manibela ngayong araw ng Lunes ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Halos walang epekto sa mga commuter ang nangyaring tigil-pasad dahil sa aniya’y kaunti lamang ang sumali at ang mga rally ay limitado lamang sa mga tagasuporta ng transport group.
Kaugnay nito , ilang malalaking transport group ang nagpahayg ng buong suporta sa ahensiya lalo na sa Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno , ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III .
Kabilang sa mga sumosupirta sa jeepney modernization ang mga grupo ng National Federation of Transport Cooperatives (NFTC), Tindig Cabarzon, Arangkada NCR, ALTODAP, ACTO, BusINA, at Pasang Masda. .
Ang kanilang suporta ay nagpapatunay sa iniulat na 86% consolidation rate ng LTFRB sa ilalim ng PTM.