
NALALAPIT na ang dry season kaya naman inaasahan na ang pagdagsa ng mga dayuhang papasok sa ating bansa , kasabay nito ang anunsiyo ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na inihahanda na nila dolomite beach para sa mga turistang ayaw lumayo sa Metro Manila.
Ayon kay DENR Acting Sec. Jim Sampulna nasa finishing touches na ang ginagawa ng kagawaran dahil bubuksan na ito pagkatapos ng mahal na araw .
Dinagdagan rin aniya nila ito ng 100 meters na dolomite na malapit sa Manila Yatch Club na tamang-tama sa summer.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa sa Department of National Defense (DND) at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na pagkakaroon ng memorandum of agreement para sa request nilang dalawang kanyon mula sa Corregidor Island na ginamit noong World War II na magiging tourist attraction sa lugar.
Ininspeksyon na ulit ng DENR kahapon ang Manila Bay upang masigurong malinis at malinaw ang tubig sa bay.