BUBUKSAN na sa darating na Abril ang lahat ng banyagang nais pumasok sa ating bansa,ayon ito sa Department of Tourism (DoT).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sa ngayon ay tanging mga fully vaccinated lamang na turista mula sa 157 visa free countries ang pinapayagang makapasok sa Pilipinas.
Higit sa 73,000 pa lamang na turista ang nakapasok sa Pilipinas mula nang magbukas ang border noong Pebrero 10.
Hiniling aniya kasi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dahan-dahan lamang muna sa pagpapasok sa mga banyagang turista dahil ang kanilang konsulada ay hindi pa rin nagbubukas.
Sa datos ng DoT nakapasok na sa ating bansa ang mga banyagang mula South Korea, Estados Unidos, Canada, Australia, Germany, Vietnam at Japan.