LUBHANG masama sa kalikasan ang mga itinatapong gamit na facemask sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kaya naman gumawa ang Fig Tree Farm ng Batangas ng plantable facemask na matapos gamitin ay maaari nang itanim dahil sa gawa ito sa papel na abaca na may pitong beses na filter kaysa sa tela.
Ang eco-friendly at plantable facemask ay gawa sa mga buto ng gulay na pechay, mustasa, sili, kamatis at talong. Maging mga buto ng mga bulaklak na maliliit ay inihalo rin sa paggawa. Adhikain ng grupo na makatulong na magbigay ng kabuhayan sa mga asawa ng magsasaka lalo na ngayong panahon ng pandemya at higit sa lahat ay upang mabawasan ang polusyon.