
Camp Vicente Lim,Laguna- Kinasuhan ng sexual harassment ng isang student trainee ang isang opisyal ng Philippine National Police sa Bacoor, Cavite.
Kinakaharap ni Chief Master Seargent Romar Sinnung, 47 anyos ng Bacoor Cavite police sa kasong violation of Rpublic Act 7877 o Anti-sexual Harassment Act of 1195 na isinampa sa Provincial Prosecutor’s office noong Disyembre 1.
Reklamong harassment ang kanyang kinakaharap mula sa isang 23-anyos na estudyante nang hawakan nito sa likod, binti at dibdib na nangyari noong buwan ng Oktubre 11 at 13 , na nasundan pa nitong Nobyembre 8 at 9 habang nagsasagawa ng training sa police station.
Nagsamapa na rin ng kasong administratibo ang Philippine National Police laban kay Sinnung habang inalis na rin ito sa pwesto base sa utos ng Cavite police headquarters.
Ideklarang AWOL o absent without official leave ang akusado ayon kay Cavite police director Col.Christopher Olazo.