
BINIGYANG linaw ng Department of Health na tanging 0.03% lamang ng P7.4 bilyong halaga ng gamot at iba pang inventory items ang sinabing expired at hindi naipamahagi, taliwas sa ulat ng Commission on Audit
“Only 0.03 percent were found to have actually expired, while only 1.16 percent were found to be near expiry,” ayon sa kagawaran.
Ayon pa sa DOH , “focused on the proper disposal of expired drugs and medicines not on the expiration per se given that the hospitals/facilities were able to justify the cause/s of the expiration, therefore, those were not highlighted in the audit.”
Noong nakaraang linggo lamang , inilabas ng state auditors ang ulat na nasa P7.43 bilyong piso ng gamot, at iba pang ininvebentaryo sa DOH ang natagpuang expired, malapit ng ma expiread o napinsala.
Gayunpaman, sinabi ng DOH na nasa 95.81 porsyento na kabuuang inbentaryo ang hindi expired at mabagal lamang ang pagggalaw , hindi naipapamahagi pa o di kaya ay overstocked naman.
Kabilang sa P2.3 milyon ang paso, P203.6 milyon ang overstocked, P5 bilyon ang mabagal ang pamamahagi habang P1.5 bilyon naman ang hindi naipamahagi.
Sa mga napasong bakuna, sinabi ng ahensiya na karamihan sa mga ito ay nasa DOH hospitals at hindi umano naipapamahagi dahil sa kaunti lamang ang mga pasyenteng nagtutungo sa mga ospital dahil sa takot sa Covid-19.