MATUMAL ang bentahan ng itlog kahit na bumaba ang presyo nito sa maraming lugar ng pamilihan.
Bumaba ng 1.00 hanggang 1.50 kada piraso ng itlog sa loob ng nakalipas na apat na Linggo kahit nabawasan ang produksyon nito dahil sa mababang demand.
Kaya naman nag-aalala ang mga nagbebenta ng mga itlog na baka tuluyang bumagsak ang “egg industry” dahil baka maisipang tumigil na ang mga pagpo- produce dahil sa pagkalugi sa patuloy na pagtaas ng feeds habang bumababa naman ang halaga nito dahil sa konti ang bumibili.