
SA pagsisimula ng kampanya ngayong Biyernes, Marso 28, 2025 , isinagawa ang Proclamation rally ng kumakandidato sa pagka-Gobernador na si Sol Aragones at bise- gobernador Peewee Platon Perez kasabay ang 141 Akay ni Sol sa lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna .
Binasbasan si Aragones ni Msgr. Gerry Bitoon sa San Pablo City Catholic Cathedral, kung saan humiling siya ng tagumpay at gabay sa kanyang tatahaking serbisyo publiko.
Kasunod nito ay nagsagawa ng ‘Walk for Change’ si Aragones kasama ang kanyang grupo patungo sa San Pablo City Public Market upang magsagawa ng maikling programa.
Inilatag ni Aragones sa kanyang maiksing talumpati, ang mga programa para sa sektor ng pangkalusugan, kabilang ang pagpapabuti ng mga serbisyo sa mga pampublikong ospital, pagdaragdag ng bilang ng mga nars, doktor, at iba pang manggagawang pangkalusugan upang mapahusay ang mga serbisyo sa ospital.
Nais rin niyang magkaroon ng kumpletong suplay ng mga gamot sa mga pampublikong ospital upang maiwasan ng mga pasyente na magtungo pa sa Batangas Medical Center o mga ospital sa Maynila.
Naitatag na rin niya ang mga botika ng Akay ni Sol sa buong Laguna, na nagbibigay ng libreng maintenance na gamot maging mga serbisyong medical.’
Magbibigay rin siya ng mga scholarship sa mga mag-aaral maging ‘palakol’ man ang grado nito.
Ilan lamang ito sa alok ni Sol Aragones na numero 2 sa balota katuwang ang 141 Akay ni Sol Partylist , ang gobyernong may Solusyon, at “Panahon na ni Sol!” at “Si Sol Dapat “.