NAGBITIW na sapwesto bilang Quezon City Police District director si Police Birigadier general Nicolas Torre III epektibo ngayong araw ng Huwebes, Agosto 31.
Hindi na kinayan ni Torre ang pambabatikos matapos ang isinagawang pressconference kaugnay ng dating pulis na sangkot sa viral road rage incident sa lungsod Quezon.
Sinabi ni Torre na batid niya ang mga negatibong kritisismo laban sa kanya kaya’t napagtanto niyang nararapat lamang na magbitiw siya pwesto para bigyang daan ang patas na imbestigasyon sa kaso.
Nais rin niyang lumabas ang totoo at patunayan na wala siyang pinagtatakpan sa kaso.
Ayon pa kay Torre agad niyang pinahanap ang Wilfredo Gonzales na nagviral ang video dahil sa panunutok ng baril sa isang siklista.
Agad namang sumuko si Gonzales at napag-alamanang nasa kanyang tanggapan ito kaya naman nais na kapanayamin ng media ang suspek upang hingin ang kanyang panig.
Dito na aniya siya nagdalawang isip – kung hindi niya ihaharap sa media si Gonzales, posible pa aniya isipin na binibigyang-proteksyon niya si Gonzales. Sa bandang huli, nagpasya ang heneral na magdaos na lang ng pulong-balitaan kung saan nabigyan ng pagkakataon ang suspek na magbigay ng kanyang pahayag.
Dahil rito, dismayado si Quezon City Mayor Joy Belmontedi umano’y mas piniling unahin iharap sa media ang dating pulis kesa sa arestuhin.
“Itong ating QCPD parang sumasang-ayon lang na para siya pa ‘yung nagsasabi ng, ‘Go ahead, give your side.’ It felt strange to me … There was something wrong, in my view,” anang alkalde.
Humingi naman ng paumanhin si Torre, kasabay ng pag-ako sa pangyayari.