
HANDANG -HANDANG raw si si Davao City 1st District Representative Paolo Z. Duterte magpa-hair follicle test muli, at ulit-ulitin kung kinakailang upang ipakita na walang dapat ipag-alala ang ating mga kababayan tungkol sa integridad ng kanilang mga lider.
Piansaringan niya sa kanyang katunggali sa pulitika na si PBA party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles isa sa miyembro ng young guns na kanyang tinawag na “young goons” at siya rin aniya ay magsagawa ng hair follicle test din.
Aniya “Hinahamon ko ang aking katunggali sa pagka-representante ng Unang Distrito ng Davao City, na sinasabing miyembro ng mga ‘young goons’ sa Kongreso, o ‘guns’ ba iyon, na magpa-hair follicle test din.
Ang hamon na ito ay para sa ating kapakanan at para matiyak na ang mga maglilingkod sa bayan ay malinis at walang kahit anong bisyong ilegal na droga dagdag pa niya.