MAS marami ang namamatay sa iba’t ibang karamdamang kalakip ng prosesong gumagamit ng petrolyo kaya naman higit na angkop ang enerhiyang ipino-proseso ng planta nukleyar kumpara sa kuryenteng mula sa fossil fuel, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.
Kinatigan niya posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa Executive Order 164 na nagsusulong na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant na itinayo sa ilalim ng administrasyon ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Bagamat aminadong may kaakibat na panganib ang pagpapatakbo ng isang nuclear power plant, hindi hamak aniyang mas matindi ang epekto ng prosesong ginagamitan ng petrolyo hindi lamang sa kalusuigan ng mga tao kundi maging sa kalikasan.
Binigyang diin rin ng kongresista ang importansyang mabatid ng nakararami ang “irreversible effect” sa patuloy na paggamit ng fossil fuel kumpara sa planta nukleyar na aniya’y may mga kalakip na “safety aspects” na dapat tutukan at matutunang pahalagahan ng susunod na pamahalaan.
“Fears about nuclear energy’s safety fail to take into account the deaths and diseases that fossil fuel energy regularly, continuously, and invariably causes. Nuclear energy problems are risks that can be avoided. With fossil fuels, you can’t avoid polluting – which has deadly implications on air quality,” pasaring ni Salceda sa mga aktibistang kontra..
Hirit pa ng mambabatas, tanging ang BNPP ang landas para magkaroon ng energy security ang bansa sa gitna ng nagbabadyang krisis sa enerhiya bunsod ng huwaan sa pagitan ng dalawang oil-exporting countries – ang Ukraine at Russia.
“It’s a matter of national security as well. If, by any chance, our sea routes through the South China Sea were somehow hampered, we would suffer terribly from oil shortages,” aniya pa.
Hindi rin aniya dapat mawalang saysay ang isang proyektong ginastusan ng pamahalaan gamit ang buwis ng mga mamamayan.