
DEDO ang isang tricycle driver at ang kanyang pasahero nitong Martes nang mabangga ang sinasakyan nilang tricycle sa dump truck sa Porac, Pampanga
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Redrico Maranan, Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang mga nasawi na sina tricycle driver Ranilo Tungcab Tolentino, 55, at ang pasahero nitong si Remedios Manguerra Tolentino, 60, kapwa ng Bgy. Pulung Santol, Porac, Pampanga.
Lumabas sa imbestigasyon na si Renato Mangulabnan Miranda, 48, ng Bgy. Pulung Santol, Porac, ang nagmamaneho ng dump truck papuntang Porac proper habang ang mga biktima ay sa kabilang direksyon.
Pagdating sa Porac-Sta. Rita-Guagua Road sa loob ng paligid ng Bgy. Pulung Santol, biglang inokupa ng tricycle ang tapat na lane na naging sanhi ng head-on collision sa truck.
Kinaladkad ng trak ang trike ng halos 17 metro.
Isinugod ng mga saksi ang trike driver at ang pasahero nito sa Jose Songco Lapid District Hospital, kung saan idineklara silang dead on arrival.
Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property ang driver ng dump truck.