
DAHIL sa sunod-sunod na na tatlong beses na taas singil ng Manila Electric Co. (Meralco) , inaasahan naman ang kanilang pagbabawas ng bahagyang bayarin ng mga residente at negosyo sa Metro Manila at karatig probinsya.
Inaasahang mababawasan ng P2.13 ang mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, habang P2.71 naman para sa mga nakakaubos ng 300 kWh. Mahigit P3.00 naman ang inaasahang mababawas sa mga Meralco subscriber na umabot sa 400 kWh ang konsumo at P2.39 naman para sa 500 kWh usage, ayon sa Meralco.
“It’s at least a pleasant situation for consumers, given that we were perhaps initially expecting an upward adjustment given that the refund has been completed. But the lower generation costs more than made up for it and that is why we are experiencing a lower electricity bill for consumers for February,” pahayag ni Meralco corporate communications chief Joe Zaldarriaga.
Asahan na rin aniya ng mga konsyumer ang nakaambang dagdag-singil sa pagpasok ng tag-init.