IPATUTUPAD na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang inaprubahang fare adjustment sa LRT-2 simula sa ika-2 ng Agosto.
Huling nagpatupad ng fare adjustment ang LRT-2 noong pang 2015.
Batay sa inaprubahang adjustment ng Department of Transportation (DOTr), ang minimum boarding fee ay tataas ng P13.29 mula sa dating P11, at P1.21 na dagdag sa bawat kilometrong biyahe mula sa dating P1.
๐ฆ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ฉ๐ฎ๐น๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ
Mula sa kasalukuyang P12 minimum na pamasahe sa stored value o โbeep card,โ magiging P14 na ito.
Magiging P33 naman ang maximum fare (Recto Station hanggang Antipolo Station) mula sa dating P28.
๐ฆ๐ถ๐ป๐ด๐น๐ฒ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฒ๐ ๐ง๐ถ๐ฐ๐ธ๐ฒ๐ (๐ฆ๐๐ง)
Kung SJT ang gamit, mananatili sa P15 ang mimimum fare.
Magiging P35 naman ang maximum fare (Recto Station hanggang Antipolo Station) mula sa kasalukuyang P30.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ, ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ
Ayon sa DOTr, ang karagdagang pamasahe ay gagamitin para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo ng LRT-2.
Taong 2015 pa noong huling inaprubahan ang fare adjustment para sa linya.
Samantala, magbibigay pa rin ng 20 percent discount ang LRTA sa mga pasaherong senior citizen, person with disability (PWD) at mga estudyante sa LRT-2.
Pinapayuhan ng LRTA ang mga pasahero na gumamit ng stored value card o beep card para makatipid at makaiwas sa abala.