Sa tuwing sasapit ang Pasko at bagong taon,kilalang -kilala ang bayan ng Nagcarlan sa Laguna dahil sa isang natatanging kakanin na sa kanila lamang matatagpuan.
Hindi man kasing tulad ng puto bungbong na isang beses sa isang taon lamang ito natitikman ng mga pinoy kundi ang espesyal na kakanin na ito ay ay pambihira sa kanilang bayan na tinawag nilang Tikoy sa Tukil.
Kung ang mga intsik ang nagdala ng tikoy sa Pinas na pinaniniwalaang maging maganda ang samahan ng bawat isa ,ito naman ang bersyon ng mga Pinoy.
Isang uri ito ng delicacy sa bayang ito na nakaugaliang lutuin sa loob ng kawayan o tukil na pinakukuluan ng 10 oras o higit pa .
Ilan sa mga taga-rito ay ginagawa itong hanap-buhay upang magkaroon ng dagdag kita sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.
Isa na rito si Nanay Chedeng Villanueva na tubong Sta.Lucia sa Nagcarlan na higit limang dekada nang gumagawa ng tikoy sa tukil.
Nakagisnan na nito ang tradisyonal na pagluluto ng tikoy bilang espesyal na pagkain mula sa kanyang mga magulang at ninuno na nAipasa sa kanyang henerasyon .
Dahil sa ekspertog paggawa ng tikoy sa tukil ni Nanany at ito na rin ang kanyang pinamimigay sa kanyang mga kaananak nadumarayo mula pa sa MAynila.Bilang espesyal na pasalubong na may masarap na lasa ay binibigyan ring halaga ang kawayan sa kanilang lugar.
Ang ibang niluto niyang tikoy ay kanyang naibebenta sa halagang 200 pesos para sa medium size habang ang large size naman ay 250 pesos.
Nagpapa-order siya sa kanyang mga kapit-bahay na umaabot sa 300 piraso sa buong Christmas season hanggang selebrasyon ng 3 kings sa kanilang lugar.
Sa puhunang 5,000 piso ay napapalago niya ito ng halos 60,000 pesos.Bagamat sa hirap ng pagluluto nito ay sulit naman para sa kanilang dagdag kita tuwing kapaskuhan.
Hindi rin kayang tawaran ang matiyagang pagluluto nito kaya napaka sarap namnamin ang pinaghirapang produkto .Sadyang maipagmamalaki ang gintong pamana na nagmula sa kanyang angkan ang hindi matatawarang recipe.
Mga sangkap ng Tikoy sa Tukil
*glutinous rice o giniling na malagkit
*condensed milk
*asukal
*keso
*butter
*gata
Paraan ng paggawa
1. Una ay pagsama-samahin ang mga sangkap na glutinous rice,asukal ,keso at butter.
2. Paghaluin ang condensed milk at gata .
3. Pagsama-samahin lahat ng sangkap.
4. Maglagay sa buho ng kawayan hanggang kalahati lamang saka takpan ang ulo ng kawayan ng dahon ng saging .
5. Pakuluan ang tukil sa mahinang apoy ng 10 oras
6. MAtapos ang 10 oras palamigin ito sa isang lalagyan.
Maaaring tumatagal ang bawat tikoy sa room temperature ng 3-4 araw habang 7-12 araw naman ang itatagal nito kapag nasa loob ng refrigerator.
Naipamana naman ni nanay Chedeng sa kanyang anak na si Maritess ang paggawa ng espasol.Gumagawa siya bilang dagdag kita na kanyang pinapaoorder rin sa kanyang mga katrabaho sa Maynila.
Sa puhunang 300 pesos bumili siya ng mga sangkap
1. 4 cups glutinous rice
2. 1\2 cup brown sugar
3. 1 can evap
4. 2 cups kakang gata
Optional for flavoring [ube o langka]
Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay ang glutinous rice sa kawali .Mahinang apoy lamang ang gamitin at haluin ng dahn -dahan hanggang sa maging light brown lamang ito.
2. Kuhain ang 1 cup na glutinous rice at ihiwalay ito sa isang lalagayan.
3. Hanguin lahat at ilagay sa isang bowl ang natirang nilutong rice flour.
4. Sa kawali ay ilagay ang kakang gata,sumunod ang gatas at asukal saka haluin dahan -dahan hanggang sa kumulo.
5. Pagkakulo sa mahinang apoy ay ilagay ang glutinous rice na nasa bowl at haluin dahan -dahan hanggang sa lumapot ito.[ilagay ang nais na flavor]
6. Pag naluto na ang lahat ay hanguin ito at ilagay sa isang square pan saka ibudbod sa ibabaw ang hinawalay na 1 cup glutinous rice .
7. Hayaang lumamig ng 3-5 minuto bago ito hiwain ng parihaba.
8. Maaari ng bilutin ang espasol sa puting papel.
Tip;tatagal ang espasol kung ito ay walang flavor na macapuno o langka.
Sa mga nabentahan ni MAritess ng espasol ay kumita siya ng 1,000 piso.