
NASAWI ang isang Nigerian national matapos makipagpalitan ng putok sa pulisya sa isinagawang anti -drug operation sa Batasan Hills,Quezon City kahapon.patay sa palitan ng putok ang isang Nigerian national na huli sa aktong nagbebenta ng hindi bababa sa dalawang kilong shabu sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Batasan Hills nito lamang Linggo ng gabi.
Paniwala ni QCPD station 6 commander Col. Alex Sonido, bahagi ng isang malaking sindikatong nagpapalaganap ng droga sa iba’t ibang panig ng Metro Manila, Bulacan at mga lalawigang bahagi ng Calabarzon.
Sa paunang ulat ng pulisya, isang operasyon ang magkatuwang na ikinasa ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit ng NCR, QCPD, Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Batasan Police Station laban sa tatlong suspek bandang alas-onse ng gabi nitong Linggo sa isang bahagi ng San Mateo-Batasan Road.
Sa kalagitnaan ng bentahan ng droga, nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon, hudyat para bumunot at magpaputok sa mga operatiba ng QCPD.Kinilala ang nasawing Nigerian na si Ejiofor Smart, habang nakatakass naman ang ddalawang kasama nitong tinukoy sa pangalang KC Mamba at Oga Aboy.
Narekober naman sa lugar ng pinangyahiran ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu at isang kalibrre 45 na gamit na napaslang na ssuspek. Sa tantya ng mga operatiba, aabot sa 13.6 milyon ang halaga ng nasamsam na droga.