PATAY sa ambush ng mga armadong lalaki ang bise alkalde ng South Upi, Maguindanao del Sur at ang kanyang bodyguard nitong Biyernes.
Nasawi ang Vice- Mayor na si Roldan Benito at ang kanyang bodyguard na nakilala bilang “Marcos.”
Nasugatan sa pag-atake ang asawa ng bise alkalde, kanilang anak, at isa pang aide.
Lumabas sa imbestigasyon na ang mga biktima ay nasa isang pick-up truck nang masalubong ng mga suspek sa Bgy. Pandan sa South Upi.
Ang Barangay Pandan ay ang lugar na tinitirhan ng mga biktima, kung saan si Analyn, ang asawa ng bise alkalde, ay ang kapitan ng barangay.
Dali-daling dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, kung saan idineklara dead on arrival ang bise alkalde at ang kanyang aide .
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang mga salarin.
Top of Form
Bottom of Form