MULING tinukoy ni Sen. Cynthia Villar na kasama ang tobacco sa agricultural products na sakop ng panukalang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2023.
Inaamiyendahan nito ang Anti-Agricultural Smuggling Act para isama sa economic sabotage ang hoarding, profiteering at cartel ng agricultural products.
“And Tobacco will be included in the agricultural products covered by this law,” ani Villar, Guest Speaker sa International Tobacco Agricultural Summit na idinaos sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig City ngayong araw Aug. 3.
Iginiit ng senador na kanyang adbokasiya ang suportahan ang Filipino farmers dahil sila ang ‘backbone’ ng Philippine agriculture sector.
Kinilala rin niya ang mahalagang papel ng tobacco industry sa ekonomiya ng Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tobacco producers sa mundo.
Ipinahayag ng National Tobacco Administration na malaki ang kontribusyon ng tobacco industry sa trabaho at revenue generation ng bansa. Suportado nito ang 2.2 milyong Pilipino.
“According to the Oxford Business Group’s Economic Impact Report in June 2022, tobacco cultivation was present in 23 provinces across 12 regions in the Philippines, with the Ilocos Region being the top producer at 69%, followed by Cagayan Valley at 23%, and Northern Mindanao ranking third, as of April 2022,” ayon kay Villar.
Itinampok din niya na sa pagitan ng 2019-2022, tumaas ang ‘rural economies’ng 47.8% sa mga lugar na may nakatanim na tobacco.
Pinopondahan ngayon ng sin taxes mula sa tobacco at alcohol na ipinatupad simula 2013, ang national health budget, kabilang Universal Health Care (UHC).
Sinabi ni Villar na 58% ng sin tax collection ay mula sa tobacco. Ito ay 54% ng ating health budget noong 2020.
Noong 2021, umabot sa P16 billion ang kontribusyon ng tobacco industry sa GDP ng bansa.
Sinabi rin ni Villar na nahaharap sa hamon ang industriya dahil sa illegal trade gaya ng smuggling at tax evasion. Tinatantiya ng Bureau of Customs (BOC) na nawawalan ang pamahalaan ng P3 billion sa excise taxes dahil sa illicit cigarette operations noong 2019 at 2022.
Batay sa ulat ng Euromonitor, tinatayang tataas ang kaso ng illicit cigarette trade sa 18.5% sa 2023 mula sa 12.2% noong 2020.
“This is the reason why as the Chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food, this 19th Congress, I filed bills in response to the issues of smuggling.
In 2016, we passed the Anti-Agricultural Smuggling Act. Unfortunately,not a single smuggler has been imprisoned since then Thus, we are amending this law'” ani pa ng senador.