“Ano ang Totoong Motibo sa Likod ng Paulit-ulit na Banat?”

Kapansin pansin ang ginagawang pagbabatikos ni Bokal Lorenzo Zuñiga Jr. sa mga programa at proyekto ni Governor Sol Aragone. Ang pinagtataka lang ng mga Lagunense, maging ng mga taga ibang lalawigan ay kung bakit masyado siyang maingay. Kaya ang tanong ng mga netizens “Para Kanino ang Ingay: Sa Bayan o sa Sarili?”

“Ano ang Totoong Motibo sa Likod ng Paulit-ulit na Banat?”

Ano nga ba ang mali sa pagpapatuloy ng hindi natapos na gusali sa Laguna Medical Center? Ano ang masama kung pinupursige ni Governor Sol Aragones na matapos ito sa tulong ng national government? Hindi ba’t ang layunin nito ay simple—mas maayos na serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Laguna?

Kung tutuusin, kapag natapos ang proyektong ito, sino ba ang makikinabang? Hindi ba ang mismong mga kababayan ninyo—ang mga Lagunense? Kaya bakit tila may pagtutol sa isang proyektong malinaw na para sa kapakanan ng publiko? Ang kauna-unahang Chemotherapy Center na may libreng kalahating sakong bigas para sa mga magpapadialysis sa Laguna ay kailangan pang kwestiyunin at pag-initan? Hindi ba dapat maging masaya dahil hindi na mahihirapan pa ang mga Lagunense lalo na ang salat sa pera.

Marami na nga na humahangang taga karatig probinsya ng Laguna dahil malayo na ang narating ng health system ng Laguna kumpara noon. Mas maraming pasilidad, serbisyo, at mas maraming buhay ang natutulungan. Ito ay konkretong progreso—hindi haka-haka, hindi drama, hindi ingay. Tanong lang: hindi ba ninyo nakikita ang benepisyong natatanggap ng mga kababayan ninyo?

Ang dami mong rants Bokal Zuñiga sa social media, bakit tila personal ang inyong reaksyon? Ano ba talaga ang nais ninyong patunayan—ang katotohanan, o ang sariling galit?

Bakit tila sabik na sabik kayong pabagsakin ang Gobernador sa halip na suportahan ang mga proyektong makakatulong sa mamamayan? Saan nanggagaling ang lakas ng loob na ito? At higit sa lahat—sino ba talaga ang nakikinabang sa patuloy ninyong pag-iingay?

Sa panahong ngayon mas kailangan ang pagkakaisa, hindi bang mas mahalaga ang trabaho kaysa intriga? Hindi ba mas makabuluhan ang pagtutulungan kaysa sa walang tigil na bangayan? Ang mamamayan ay naghihintay ng serbisyo, hindi ng drama. Naghihintay ng resulta, hindi ng paulit-ulit na reklamo.

Sa totoo lang, Bokal —kung walang malinaw na alternatibong solusyon, ang paulit-ulit na pagbatikos ay nagmumukhang simpleng sour-graping lamang. At kung may sama ng loob man, hindi ba mas mabuting resolbahin ito sa maayos na paraan kaysa idaan sa ingay sa publiko?

Sa huli, isang simpleng paalala:

Mas madaling magreklamo kaysa magtrabaho. Mas madaling mag-ingay kaysa maghatid ng serbisyo. Pero ang tunay na sukatan ng liderato ay hindi sa lakas ng boses—kundi sa bigat ng nagagawa para sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *